PANATANG MAKABAYANIJUAN

June 12th, 2008 by dynamicteens

Bayanismall3_1 PANATANG MAKA BAYANIJUAN

Ako’y nagmamalasakit sa bawat Pilipino pangangailangan ng kapatid ay    tutugunan ko.

Dahil ang may pinagsamahan ay nagdadamayan,  hindi nabubuwag,   walang iwanan.

Sa pag-abot ng pangarap, iisa, magkahawak kamay,      kaya’t magkasama rin sa saya ng buhay.

Nanunumpa akong tutulong, sa pag-angat ng ating kalagayan,  tutulong sa kahit anong paraan.

Maliit man ang makayanan, kahit nasaan pa man, ang lahat ng ito’y aking pananagutan.

Bigyan ng bagong simula ang ating bayan, walang iwanan sa Bayanijuan.